^

Metro

Presyo ng LPG, tumaas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatupad kahapon ng pagtaas sa presyo ng   Liquefied Petroleum Gas (LPG)  ang ilang kompanya ng langis.

Ito ay pinangunahan ng Petron Corporation na nagtaas ng P2.90 kada kilo sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas na katumbas ng P31.90 sa bawat 11 kilogram na tangke nito epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Bukod sa cooking gas, nagpatupad din ng pagtaas sa presyo ng Auto LPG ng P1.62 kada litro.

Nabatid kay Raffy Ledesma, ng Petron Corporation, ang pagtaas ng presyo ng kanilang LPG ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahang magpapatupad na rin ng pagtaas ang iba pang kompanya ng la­ngis na may kahalintulad din ng halaga.

Huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng LPG ay noong Setyembre 1 ng  taong kasalukuyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with