‘Oplan Greyhound’ inilunsad sa Pasig City Jail
MANILA, Philippines – Isinagawa ng mga awtoridad ang ‘Oplan Greyhound’ sa Pasig City jail kahapon ng umaga.
Bagamat walang nakuhang mga ilegal na droga, ilang improvised bladed weapons naman ang nakumpiska ng mga awtoridad ng Eastern Police District (EPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bilangguan na matatagpuan sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon kay EPD Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula, dakong alas-8:00 ng umaga nang simulan ang operasyon, sa pakikipag-ugnayan kay Jail Warden Supt. Julius Arro.
“Ang mga nakuha natin ngayon ay mga small items lamang na considered natin as contrabands, in the sense na yan ay pwedeng makapanakit sa mga inmates natin,” aniya.
“Pagdating naman sa illegal na droga ay wala naman tayong nakumpiska,” dagdag pa ni Arro. “So as far as illegal drugs ang concerned, walang illegal na droga rito sa Pasig City Jail.”
Ang Pasig City Jail ay mayroong 1,066 lalaking inmates at 171 babaeng inmate.
- Latest