^

Metro

7 utas sa Caloocan sa magdamag

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito katao ang nasawi kabilang ang mag-live-in partner  matapos pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City na iniulat kahapon.

Ayon kay Supt. Ferdinand Del Rosario, deputy chief of police for Administration ng Caloocan City Police, alas-12:37 kahapon ng madaling araw nang pagbabarilin at mapatay ng hindi pa nakikila­lang mga salarin ang mag-live-in partner na sina Rosario Antonell, alyas Dale  at Jandale Avestro,  alyas Jackie  sa Admi Site, Brgy. 186, Tala ng nasabing lungsod.

Alas-9:30 naman ng gabi, pinagbabaril naman ang biktimang si Ariel Armada, 36, habang ito ay nakatayo kasama ang ilang kaibigan sa isang sari-sari store sa Phase 8A, Package 8, Block 91, Lot 49, Brgy. 176, Bagong Silang ng riding-in-tandem na suspects. 

Alas-11:00 naman ng gabi nang pagbabarilin ng apat na armadong mga kalalakihan na sakay sa mga motorsiklo ang biktimang si Edmond Alloveros, 38, tricycle driver, mismo sa loob ng bahay nito sa Brgy. 177 na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Natagpuan naman ang mga bangkay nina Patrick Egan, welder at isang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa pagitan ng 30-35 ang edad, 5’4 ang taas, medium built at may mga tattoo sa katawan alas-2:10 kahapon ng madaling araw sa  panulukan ng Aurora  at Sampaloc Sts. boundary ng Brgy. 177 at narekober sa katawan ng mga ito ang tig-tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Brgy. 27 naman alas-9:50 ng gabi, nang pagpapabarilin  ang nakatambay na si Hector Maninang, 49, ng Laong-Laan panulukan ng  Dimasalang St., Maypajo ng naturang lungsod ng hindi pa rin kilalang mga suspect.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung ang mga napatay na mga biktima ay sangkot sa droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with