^

Metro

Mister nilikida sa tabi ng misis at anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Butas ang noo at dalawang bala pa sa katawan ang tinamo ng isang 46- anyos  na mister nang pagbabarilin ng dalawang maskaradong lalaki na pumasok sa kanilang bahay  sa Tondo, May­nila,  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Joseph Javier Jr. alyas Negro, residente ng Zaragosa St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang masopresa umano ang biktima at pamil­ya nito nang biglang pumasok ang  dalawang suspek sa loob ng bahay habang sila ay nanonood ng te­lebisyon saka pinagbabaril ang biktima.

Nang makitang duguan at wala nang malay ay lumisan ang mga suspek habang ang biktima ay dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero binawian rin ng buhay.

Sa impormasyon, posibleng may kinalaman umano sa iligal na droga ang pamamaril na patuloy pang iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with