^

Metro

Misis ng inmate posibleng pinag-ugatan ng riot sa Bilibid

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng may kinalaman ang misis ng isa pang high profile inmate na siyang pinag-ugatan nang kaguluhan sa New Bilibid Prison (NBP) na ikinasawi ng isang preso dito at ikinasugat naman ng apat pa.

Ayon sa kampo ni Jaybee Sebastian sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Eduardo Arriba, base sa ilang pahayag ng kanyang kliyente, ang isa pang presong si Tomas Donena ang sumaksak sa kanya habang nakaupo sa tumba-tumbang upuan at nanonood ng telebisyon.

Nakasaad pa sa salaysay ni Se­bastian, bago naganap ang pananaksak ay lumapit sa kanya ang sugatan ring si dating Chief Inspector Clarence Dongail at Donena at pinag-usapan ang  umano’y  planong pagpatay sa asawa ni Dongail  na si Grace.

Kung saan pinagbibintangan umano ni Dongail si Sebastian at isa pang presong si Hanz Tan ang siyang may planong ipapatay  ang kanyang misis na si Grace.

“Ang sabi ko kay Major Cla-rence na total pinag-uusapan  naman eto, ang totoong istorya dyan ay sinabihan ni Peter Co si Jenny  na asawa ni Tony Co na  sama nang sama umano  sa asawa  ni Dongail  at sa dami ng  ginagawang katarantaduhan ng asawa niyan  baka gantihan  si Grace’,   ito ang ilan pang ibinigay na pahayag ni Sebastian.

Kung kaya’t posibleng ito ang pinag-ugatan nang ginawang pananaksak kay Sebastian at hindi aniya totoong nagpa-pot-session sina Peter Co; Tony Co at Vicente Sy na umano’y si­nasabing sinita ni Dongail kung kayat nagkaroon ng riot sa buil-ding 14 ng Maximum Security Compound, NBP.

Hanggang sa ngayon ay bantay sarado pa rin ang Medical Center of Muntinlupa (MCM) kung saan dito nagpapagaling sina Sebastian; Peter Co at Vicente Sy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with