^

Metro

Rider, lasog sa fuel tanker

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang motorcycle rider ang nasawi nang salpukin ng isang fuel tanker ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang  rider na si Antonio Tunwan, residente ng J. Vargas, Avenue, Pasig City.

Arestado naman ang driver ng fuel tanker na si Norven Mersaluyo, na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Batay sa ulat ng Pasig PNP, pasado alas- 5:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng C5 Road, malapit sa kanto ng Julia Vargas Avenue sa Pasig City.

Kuwento ni Mersaluyo, may iniwasan siyang sasakyan kaya’t kumaliwa siya ngunit tinamaan niya ang motorsiklo ng biktima.

Hindi aniya niya napansin ang motorsiklo ng biktima at huli na kaya hindi na rin siya nakapagpreno.

Pumailalim sa trak ang motorsiklo at tumilapon naman ang rider at nabagok ang ulo dahilan para ito ay mamatay.

Nadamay din sa aksidente ang isang taxi na sinalpok din ng trak at nawasak. Lumikha ng masikip na daloy ng trapiko sa mga motorista ang naganap na aksidente dahil hindi agad naalis sa lugar ang nabanggang sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with