^

Metro

Parak niratrat, utas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang bagitong pulis makaraang matagpuan ang bangkay nito na duguan sa kalsada, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si PO1 Jeffrey Ramos, 31, nakatalaga sa Navotas City Police Community Precinct 2 at naninirahan sa M. Gulayan, Brgy. Catmon, Malabon City.

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police, dakong alas-8:45 ng gabi nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Sanciango Street, Brgy. Niugan, Malabon.  Nang matigil ang pamamaril, tumambad sa mga residente ang duguang biktima na nakasuot ng PNP -GOA uniform kaya agad na iniulat ito sa Police Community Precinct 9.

Sa kabila ng pagkakatagpo ng hinihinalang iligal na droga sa bulsa ng nasawing pulis, hindi pa rin makumpirma ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Ayon kay Navotas City Police chief, Sr. Supt. Dante Novicio, wala silang impormasyon na sangkot si Ramos sa iligal na droga habang nagnegatibo rin ito sa isinagawa nilang “drug test” sa mga pulis kamakailan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Malabon Police sa insidente kabilang ang paghahanap ng testigo at background check sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with