^

Metro

Idedeposito sa banko: Chinese huli sa 389 piraso ng pekeng dolyar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang isang Chinese national na nagtangkang magdeposito ng 389 pirasong  US$100 o may katumbas na halos P2-milyong piso, sa isang banko sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Pinipigil sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section ang suspek na si Wong Kwok Ming,  nanunuluyan sa Room  2111 Iris Tower, Tivoli Gardens, Mandaluyong City.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 James Poso kay P/Chief Insp. Arsenio Riparip,  pormal na naghain  ng reklamo ang mga kinatawan ng Land Bank of the Philippines-Malate Branch na matatagpuan sa may panulukan  ng  MH Del Pilar at Quintos Sts., Malate.

Ito’y dahil sa nadiskubre ng bank teller na si Rod Ronille Reyes, 25,  na pa­wang peke ang  mga  dolyar na idinedeposito ng suspek alas-9:20 ng umaga at ipinaalam sa bank manager.

Itinawag ang reklamo sa MPD-Station 9 na siyang nagturn-over sa suspek sa MPD-GAIS.

Ayon pa sa imbestigasyon, nagsabi umano sa teller na nasa 50 libong dolyar ang idedeposito ng suspek at ang nailatag pa lamang ay nasa 389 na natukoy ang dalawang piraso lamang ng  100 dollar bill ang authentic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with