^

Metro

19 pang dayuhan, gumamit ng Philippine passport, nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 19 na mga dayuhan na kinabibilangan ng Indonesians at Malaysians na nadiskubreng gumamit ng Philippine Passport para makasali sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  noong nakalipas na linggo.

Matapos ang evaluation ng Bureau of Immigration, kinumpirma kahapon ni Immigration Commissioner Jaime Morente, 15 Indonesian at 4 na Malaysian ang naharang sa kabuuan.

Nabatid na 7 sa 15 Indonesian ay naharang sa NAIA Terminal 2 noong Setyembre 22, habang ang 7 iba pa ay pinigil sa NAIA terminal 1 nitong Set. 24.

Ang apat na Malaysian naman at isa pang Indonesian ay dumating sa NAIA Terminal 2 noong Sept. 25, araw ng Linggo.

Ayon sa ulat, natukoy ng BI Intelligence agents ang pagkakakilanlan ng mga Indonesian makaraang kumpirmahin ng tatlong Sheikh na sila ay bumiyahe kasama ang iba pang Indonesian na gumamit ng Filipino name at Philippine passport.

Sumailalim pa ang mga dayuhan sa pagtatanong ng inter agency task force pero kalaunan ay pinakawalan din sa mga embahada na magpoproseso ng kanilang repatriation.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with