^

Metro

Shootout: 2 karnaper utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang hindi pa nakikila­lang mga karnaper ang napatay makaraan umanong makipag barilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang ope­rasyon sa kanilang lugar sa Brgy. Payatas, sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD Acting District Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, nakasagupa­ ng mga nasawi ang mga ope­­­ratiba ng District Special Ope­ration Unit (DSOU) sa pa­ngu­­­nguna ni P/Senior Insp. Paterno Domondon Jr., at Anti-Carnaping Unit (ANCAR).

Nangyari ang engkuwentro sa kahabaan ng Payatas Road, kanto ng Group 5, Brgy. Payatas Area B, QC, dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

Base sa pagsisiyasat, nag­sagawa ang nasabing mga operatiba ng operasyon base sa impormasyon natanggap mula sa isang concerned citizen hingil sa grupo ng lalaki na umano’y nagbebenta ng mini-dump truck (RBA-718) sa murang halaga lamang sa nasabing lugar.

Nang rumisponde ang mga operatiba ay natagpuan nila ang sasakyan na bahagyang nakatago sa  kahabaan ng Payatas Road na patungong Montalban at sakop ng Group 5 habang naroon ang apat na lalaki.

Dito ay tinangkang lapitan ng mga operatiba ang mga lalaki para tanungin pero naaktuhan nilang dalawa pala sa mga ito ang nagpa-pot session habang ang dalawa naman ay nagbabaklas ng gulong ng truck.

Nang makita ng mga suspek ang mga operatiba, biglang pinaputukan nila ang mga huli na nauwi sa palitan ng putok na humantong pa sa takbuhan hanggang sa ikasawi ng dalawa sa mga una at makatakas naman ang dalawa sa kanila.

Sa pagsisiyasat, narekober sa crime scene ang isang kalibre 9mm at isang kalibre 45 baril na may mga bala, apat na piraso ng sachet ng shabu, da­lawang piraso ng dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia, gayundin ang baklas na mga piyesa ng naturang truck. Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with