^

Metro

Pulis itinumba ng 4 na armado

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng apat na kalalakihang lulan sa dalawang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Dead on the spot ang biktimang si PO1 Richard Mendoza, ng Tesuan, Brgy. Poblacion ng naturang  lungsod, nakatalaga sa Southern Police District (SPD) sanhi ng tinamong 20 tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril at .9mm.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga suspect. Ayon sa inisyal na report ni Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente pasado alas-7:00 ng gabi sa Tesuan Luma ng nabanggit na barangay habang nakatayo sa naturang lugar ang biktima nang dumating ang dalawang motorsiklong walang plaka at magkakaangkas ang apat na suspect.

Walang salitang pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with