^

Metro

4 na kalye pa-airport exempted sa number coding

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para sa kaalaman ng mga motorista, apat na panguna­hing lansangan na nasa hurisdiksiyon ng lungsod ng Parañaque  patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang exempted sa number coding kapag epektibong ipinatupad na ito ngayong darating na Oktubre 1.

Ayon kay Mar Jimenez, chief ng Public Information Office (PIO) ng Parañaque City Hall Office, ang mga major thoroughfare na tinukoy  ay ang kahabaan ng Macapagal Avenue; Roxas Boulevard, Airport Road at MIA Road. Ang mga motoristang dadaan sa naturang mga lansangan na nasa hurisdiksiyon ng Parañaque City ay hindi huhulihin ibig sabihin exempted ito sa pagpapa­tupad ng number coding o UVVRP kapag patungo ito ng NAIA.

Nabatid kay Jimenez, nagkaroon ng pagbabago sa implementasyon ng kanilang number coding scheme kung saan ay mayroon ng window  hours para sa mga pribadong sasakyan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Sinabi nito na hindi na sila magbibigay ng exemption sa mga truck kapag pinatupad na ang number coding at bawal ang mga itong dumaan sa mga lansangan ng Parañaque mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Magkakaroon muna ng isang linggo dry-run mula Oktubre 1 hanggang 8 at pagsapit ng Oktubre 10 ay titikitan na ang sinu­mang violator na mahuhuli. Matatandaan, na noong 2006 ay sinuspinde ang pagpapatupad ng number coding o UVVRP sa mga lansangan ng lungsod ng Parañaque.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with