^

Metro

Grab taxi ‘na-sandwich’ ng 3 truck: 1 patay, 2 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi  ang isang 25-anyos na babae na umano’y pamangkin ng isang Kongre­sista, habang kritikal ang ka­ibi­gan nitong pasahero at sugatan din ang driver ng sinakyang Grab car makaraang maipit sa tatlong trak kahapon ng madaling araw sa nagtahan fly-over sa Sta. Mesa, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Ospital ng May­nila ang biktimang si Ivory Agarao Abaya, casino sur­veil­lance, ng Makati City at sinasabing pamangkin ni Laguna 4th District congressman Benjamin Agarao, Jr., habang kritikal ang kaibigan nitong si Karen Graneta, 25, company nurse at on-line casino dealer. Sugatan din ang driver ng To­yota Vios na Grab taxi na may conduction sticker na YY 8918 na si Antonio Maraya, 44, dahil tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa naunang ulat, galing umano ang magkaibigan sa Balic-Balic at patungo sa tinutuluyang condominium sa Makati City nang maipit ang kanilang sinasakyan sa karambola ng tatlo pang sasakyan kabilang ang isang 14 wheeler truck na Isuzu cargo na may plakang CXI 841 dakong alas-12:00  ng madaling araw sa southbound lane ng nagtahan Flyover sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ng driver ng trailer truck na may kargang buha­ngin na si Edison Gonzales, nawalan siya ng preno habang pababa ng Nagtahan Bridge, kaya’t sumalpok siya sa isa pang trak na nasa kan­yang una­han, na mabilis namang du­­­mausdos at sumalpok sa likurang bahagi ng Grab taxi na sinasakyan ng tatlong biktima.

Bumangga naman ang taxi sa nasa unahan nitong isa pang truck na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga biktima at pagkasugat ng da­lawa pa. Sa naturang karambola, parang lata na nayupi ang  Grab taxi.

Nalaman na mahigit isang oras na naipit sa loob ng kotse­ ang tatlong biktima bago tuluyang naialis ng mga ru­mes­pondeng rescuer.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck na nawalan umano ng preno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with