Riprap ng Marikina River, gumuho
MANILA, Philippines - Gumuho ang may 20 metro ang haba ng riprap sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.
Ang pagguho ng riprap ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Nangka habang natutulog na ang maraming residente.
Sampung pamilya na nakatira sa lugar ang naapektuhan ng pagguho ng riprap kaya agad na lumikas dahil sa takot na baka tumaas ang tubig.
Pansamantalang nanu-nuluyan ngayon sa Barangay hall ng Barangay Nangka ang mga lumikas na residente at ayaw pang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na paglambot ng lupa bunsod ng pag-ulan.
Ang pagguho ng riprap ay nangyari sa mismong ika-7 taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Ondoy sa bansa, kung saan ang Marikina City ang labis na naapektuhan makaraang lumubog ang maraming tahanan at pagkamatay ng ilang residente.
- Latest