^

Metro

2 salvage victim, natagpuan sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Caloocan, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-3 ng mada­ling-araw nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na binaril at iniwan ng apat na hindi rin nakikilalang mga salarin sa kalsada sa kanto ng 10th Ave­nue at Ma. Clara Street, Brgy. 91, ng naturang lungsod.

Nakunan ng footage ng nakakabit na “closed circuit tele-vision camera” ng barangay ang naganap na pamamaslang.  Sa video footage, nakita ang dalawang motorsiklo lulan ang limang lalaki na huminto sa nabanggit na kalsada.  Bumaba ang tatlong sakay ng isa sa motorsiklo kabilang ang isang lalaki na biglang tinutukan ng baril sa likuran ng ulo ng isa sa mga salarin at pinaputukan. Bago tumakas, muling pinaputukan ang biktima habang nakalugmok sa kalsada.

 Bukod sa mga tattoo sa katawan, walang ibang pagkakakilanlan na nakuha ang pulisya sa biktima na nakagapos ang mga kamay ng packaging tape. Hindi rin kilala ng mga barangay tanod at residente ng lugar ang biktima.

 Matapos nito, dakong alas-3:30 naman ng madaling araw nang matagpuan din ang isang bangkay ng lalaki sa kabilang dulo rin ng Ma. Clara Street sa may 5th Avenue, Brgy. 107. Inilarawan ang bangkay na nasa 25-30 anyos,  5’7” ang taas, katamtaman ang katawan at nakasuot ng dilaw na sando at itim na shorts, at tattoo na “Commando” sa katawan.

Ayon sa ilang saksi, ibinalibag ng mga hindi nakilalang salarin na lulan din ng motorsiklo ang biktima at saka sunud-sunod na pinaputukan bago tumakas.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima habang biniberepika ang kaugnayan ng dalawang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with