Peña inapila ang electoral protest
MANILA, Philippines - Umapila kahapon ang kampo ni dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña matapos itong magsampa ng Motion For Reconsideration (MR) sa unang division ng Commission on Election (COMELEC) matapos na mabasura ang kanilang electoral protest.
Nabatid na ibinasura ng COMELEC ang electoral protest ng kampo ni Peña laban sa katunggali nitong si Abby Binay na kasalukuyang alkalde ng lungsod.
Ang dahilan ng pagbasura ng COMELEC sa prostesta ng kampo ni Peña ay dahil nagkaroon aniya ng technicality sa mga dokumentong isinumite nito.
Matatandaan na nagsampa ng supplemental document ang kampo ng dating alkalde sa komisyon upang amenyedahan ang dokumentong may kaugnayan sa isinampa nitong protesta laban sa kampo ni Binay.
Nagulat na lamang aniya ang kampo ni Peña, na mabilisan ang naging desisyon ng COMELEC na ibasura ang kanilang protesta na hindi umano nagkaroon ng pagdinig.
“The dismissal of the protest on mere technicality must not prevail over the constitutional right of suffrage,” ani Peña.
“I owe everything to the people who contributed their own personal money to raise the protest fee,” he said. “I will exhaust all legal means available to give justice to the people who voted for me”, dagdag pa ni Peña.
- Latest