^

Metro

Towing sa Maynila kinukuwestiyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lifted na ba ang towing sa Maynila?

Ito naman ang tanong ng mga nabibiktima ng towing sa  ilang lugar sa lungsod bunsod na rin umano ng kawalan ng abiso  ng  city government.

Ayon sa pahayag ng ilang  na-tow, sobrang mahal ang ipinapataw na penalty  ng Manila Traffic and Parking Bureau ( MTPB) na pinamumunuan ni dating konsehal Dennis Alcoreza na umaabot mula P8,000-P9,000 sa mga truck at mga private cars.

Lumilitaw na 100 porsiyen­to ang itinaas ng singil sa mga  trailer truck (P4,500), medium truck (P2,500) at private cars (P1500).

Di umano’y may ‘verbal agreement’ ang MTPB  at ang  private company na RWM To-wing Services na pagmamay-  ari ni Romy Maniquis.

Sa pahayag ng mga na-tow,  handa naman umano silang magbayad ng penalty subalit hindi dapat ganun kalaki at sana’y legal.

Nagpahayag din ng pagtataka ang mga na-tow, kung may desisyong  ibalik ang  to-wing na pinalitan ng clamping. Anila wala namang abiso ang  MTPB hinggil dito.

Hindi naman sumasagot si Alcoreza sa aming tawag hing-gil sa isyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with