^

Metro

Bebot, utas sa sagasa, 1 pa sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namatay ang isang 37-anyos na  babae habang sugatan ang isa pa matapos mabundol at masagasaan   ng isang pampasadang dyip na nawalan diumano ng preno, sa San Miguel, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rasheda Olama, residente ng no.148 C. Palanca St., sakop ng Brgy. 648, sa San  Mi­guel habang sugatan naman ang isang Namira Dasilo, 41, residente ng no. 261 P. Casal  St., San Mi­guel nang masagi ng dyip.

Arestado at isinailalim na sa inquest proceedings si Leo Orfilla, 41 ng no. 708 T. Anzu­res St., Sampaloc, May­nila na dri­ver ng pampasaherong jeep na may plakang TGA-185 at may rutang San Miguel-Ikot via Padre Casal sa rutang San Miguel-Ikot   via Padre Casal.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang insidente ay naganap dakong alas-5:05 ng hapon  sa P. Casal St, panulukan ng C. Palanca St., San Miguel.

Nabatid na minamaneho ni Orfilla ang dyip patungong  northwest ng P. Casal nang mawalan umano ng preno at nabundol si Olama at na­sagasa­an habang si Dasilo   ay nabangga din bago tulu-yang dumiretso at bumangga sa isang traffic signal lamp sa lugar.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with