^

Metro

Drug surrenderees sa San Juan, binalaan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalaan ni San Juan City Vice Mayor Janella Ejercito-Estrada ang mga sumukong drug users na ipaaaresto, ipapahiya o paaalisin sa lungsod kung hindi pa rin ititigil ang kanilang illegal na bisyo, sa kabila nang pag-surrender sa mga awtoridad.

Ang babala ay ginawa ni Estrada, chairperson ng city anti-drugs abuse council ng lungsod, matapos matuklasang karamihan sa mga drug users na una nang sumuko sa mga awtoridad, ay bumabalik pa rin sa kanilang bisyong paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Estrada, isinailalim nila sa drug test ang 69 drug surrenderees sa lungsod at natuklasang 62 sa mga ito ang positibong bumabatak pa rin ng shabu.

Warning naman ni Estrada, kung babalik na muli sa masamang bisyo ang mga drug surrenderees ay mapipilitan silang paalisin na lamang ang mga ito sa lungsod.

Maaari rin aniyang ipa-aresto ang mga ito o di kaya’y ipahiya sa pamamagitan nang pagpapaskil ng kanilang mga larawan sa mga pader sa lungsod at mga barangay. “Stop taking illegal drugs before I could ask the police to arrest you,” anang bise alkalde.

Sa ilalim ng anti-drug prog­ram ng San Juan, ang mga drug surrenderers ay kinakailangang sumailalim sa ‘‘full rehabilitation program’’ na may libreng livelihood trainings, spiritual at moral counseling, at  Zumba exer­cise upang matiyak na hindi na nila babalikan pa ang kanilang iniwang bisyo na paggamit na illegal na droga.

Ang mga hindi naman tapos ng elementarya at high school ay maaaring mag-enrol ng Alternative Learning System (ALS).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with