^

Metro

Kelot dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasawi sa pamamaril ng riding-in-tandem criminals sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, imbestigador sa kaso, si Jem Rustan Acio, 31, binata ng 653 JP Rizal St., Brgy. Bagong Silangan QC ay nagtamo sa dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa balikat  mula  sa mga suspek na nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Sa imbestigasyon, nang­ya­ri ang insidente sa may harap ng isang tindahan (EIVAN) na matatagpuan sa naturang lugar dakong alas-9:15  ng gabi.

Diumano papatawid na ang biktima sa kabilang kalye makaraang bumili sa tindahan nang biglang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at pinagbabaril ang una, saka tumakas.

Hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga ang krimen dahil base sa pag-amin ng tiyahin ng biktima na si Eve­lyn Acio ay dalawang beses nang napasok sa drug rehabilitation center ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with