^

Metro

Vendor sa Pasig, pinatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang vendor na sinasabing suma-side line sa pagtutulak ng droga makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na magkaka-angkas sa motorsiklo sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Ferdinand Olarte Tuason, nasa hustong gulang, vegetable vendor na residente ng Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nabatid kay SPO1 Ricardo Allapitan na ang pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-5:40 ng umaga sa Georgia St. Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan sa lunsod.

Ayon sa report, kasalukuyang inaayos ng biktima ang kanyang panindang gulay noong dumating ang tatlong suspek na magkakaangkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Hindi nakuha ang plaka ng motor na sinasakyan ng mga suspek at hindi rin naki-lala ang mga ito dahil pawang nakasuot ng helmet.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Pasig police, sinasabing may kinalaman sa droga ang ginawang pagpatay sa biktima.

Nabatid na kabilang sa drug wacthlist ng Barangay Pinagbuhatan ang biktima dahil bukod sa pagtitinda niya ng gulay ay nagtutulak din umano ng droga.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga salarin at tunay na motibo ng krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with