^

Metro

Quezon City, Muntinlupa, Las Piñas: 4 drug suspect todas sa anti-drug operation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao na pinaniniwalaang mga sangkot sa illegal na droga ang  iniulat na napatay sa magdamag ng mga pulis sa Quezon City, Muntinlupa at Las Piñas City.

Ayon sa QCPD-CIDU, nasawi si Rommel Esguerra, 40, ng no. B-8C, UP Diliman, Employees Village, QC habang isinalarawan naman ang kasama nitong nasa edad na 25-30, may taas na 5’7, payat, may tattoo na dragon sa kanang kili-kili, bituin sa leeg at bulaklak sa kanang pulso.

Sa ulat ni SPO3 Allan Radulfo, may hawak ng kaso, nakasagupa ng mga suspek ang mga operatiba ng QCPD Station Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Police Station-9 sa pa-ngunguna ni Sr. Insp. Agus-tin Ubilas.

Nangyari ang insidente sa may UP Aburetum St., Brgy. UP Campus, QC dakong alas- 2:45 ng madaling araw nang isang buy-bust operation ang isinagawa ng SAID-SOTG kung saan nagkunwaring bibili ng halagang P500 shabu si PO1 Dexter Rosas sa mga suspek na itinuturing sa top drug personality sa nasabing lugar.

Samantala, napatay din nang manlaban  si Severino Navasquez, alyas Batute, 38 ng no. 31 Interior Masaya St., Brgy. Gulod, Novaliches QC habang nadakip si Erwin Miralles, 27, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Gulod, Q.C. sa operation na gina­wa ng mga operatiba ng QCPD Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Police Station-4. Nangyari ang insidente sa may bahay ni Navasquez dakong alas-6:15 ng gabi.

Bago ito, dakong alas-3:15 ng hapon ay nakatanggap umano ang tactical operation center ng PS4 ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa iligal drug transaksyon na nagaganap            sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad na ru­mis­­ponde ang tropa ng SAID-SOTG sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Cyril Ducusin sa lugar kung saan naabutan nila ang grupo ng mga lalaki kasama sina Navasquez at Miralles na nagsasagawa ng iligal na transaksyon ng droga.

Pinaniniwalaang ‘tulak’  din ang  napatay na si Mel­chor Guinto, ng Purok 7C, Ilaya St., Muntinlupa City  sa ikinasang operasyon ng   Muntinlupa at Las Piñas kung saan walo naman ang  naaresto ng Southern Police District (SPD).

Dakong alas-4 kahapon ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust ope­ration ngunit nakatunog umano ang suspek na si Guinto na unang nagpaputok. Gumanti ang mga pulis na nagresulta  nito.

Naaresto naman ng mga pulis ang live-in partner ni Guinto na si Leilani Pinor habang nakumpiska ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 revolver na may lima pang bala at isang timbangan.

Sa Las Piñas City, dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang madakip ng pulisya sa ikinasang Oplan Tokhang sa may Medina Compound, Brgy. Talon, ang mga suspek na sina Arthur Tolentino, 49; Braulio Egaya, 42; Aries dela Vega, 24; Jose Mark Tejeresas, 23; at Edu Jaime, Jr., 32.  Nadakip ang mga ito sa aktong nagsasagawa ng pot session.

Sa isa pang operasyon, naaresto rin ng pulisya sa may Kamansi St., Brgy. CAA dakong alas-9:30 ng gabi sina Eduardo Lanceta, 42; at Acer Joy Salvacion, 23, sa ikinasang buy-bust operation. Apat na plastic sachet ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with