^

Metro

Bagong laya bulagta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong laya na barker ng pampasaherong jeep na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang nasawi nang barilin ng riding in tandem, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad na nasawi dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Jaime Colacito, 50-, isa ring ex-convict, at naninirahan sa Brgy. 124, ng naturang lungsod.

Sa ulat, nakatambay sa labas ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-7:35 ng gabi nang dumating ang mga salarin at walang sabi-sabing pagbabarilin ang nabiglang biktima.  Agad na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin na nakasuot ng helmet at jacket.

Sa imbestigasyon, luma­labas na kalalaya pa lamang sa Camp Bagong Diwa Jail ni Colacito makaraan ang tatlong taong pagkakakulong dahil sa kasong robbery hold-up. Inamin ng mga kaanak nito na gumagamit ng iligal na droga ang biktima ngunit hindi naman umano nagtutulak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with