^

Metro

Parking ng Araneta Center, nasunog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasunog ang bahagi ng parking sa Araneta Center Cubao sa Quezon City.

Alas- 7 ng umaga kahapon nang ideklarang fireout  ng mga bumbero ang sunog sa basement 3 ng south garage parking building ng Araneta Center  sa Cubao sa naturang lunsod.

Sinasabing bago ang sunog ay isang pagsabog ang narinig ng mga guardiya ng Araneta Center.

Ang sunog ay nagsimula umano sa isang e-shuttle service vehicle ng Araneta Center na sinasabing nakasalang sa charging bay.

Ayon sa mga arson investigators ng QC fire department maaaring nag-over charged ang baterya ng e-shuttle kaya ito sumabog.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog kundi makapal na usok lamang ang nakarating sa ilang condominium units na nasa paligid nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with