^

Metro

3 dedo sa drug-bust

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong hinihinalang drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang anti-drug operation sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing suspek na sina Marco Panganiban Cruz, 27; Royce Alfred Mariano Cruz, 23 at Ariel Contanilla Mabitag, 38. Ang tatlo ay sinasabing kilalang umano’y drug pusher na kumikilos sa Brgy. Bagong Silangan.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Anti- Illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Batasan Police Station (PS-6) sa pangunguna ni Ins­pector Mario Pascual dakong alas-12:50 ng madaling araw sa isang bahay sa Area 4, Veterans Village, Brgy Bagong Silangan.

Ayon sa ulat, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek sa loob ng bahay sa Love Bird St., nang makatunog ang mga ito na isang pulis ang kanilang katransaksyon  kaya agad na pinaputukan ang parak.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na malubhang ikinasugat ng mga suspek matapos ang palitan ng putok.

Isinugod ang mga suspek sa East Avenue Medical Center subalit idineklara ang mga ito na dead on-arrival .

Narekober ng mga pulis ang 3 cal. .45 na baril at mga bala, pitong plastic sachets ng shabu at buy-bust money at replica ng cal. .45 pistola ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with