^

Metro

MRT-3, tatlong beses tumirik!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong beses tumirik ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng bunsod nang iba’t- ibang kadahilanan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), unang nagkaroon ng tigil-operasyon ang MRT-3 at napilitang magbaba ng mga pasahero dakong alas-9:48 ng umaga sa northbound ng Magallanes Station dahil sa naganap na train failure.

Naibalik naman ang operasyon ng mga tren dakong alas-9:55 ng umaga ngunit pagsapit ng alas-11:32 ng tanghali ay muli na namang napilitang magbaba ng mga pasahero ang tren sa northbound ng Guadalupe Station bunsod ng panibagong pagtigil ng tren nito.

 Naibalik ang normal na operasyon ng mga tren pagsapit ng alas-11:34 ng tanghali.

Ang pinakahuling service interruption ng MRT-3 ay naganap dakong alas-12:08 ng tanghali na sanhi ng technical problem sa northbound ng North Avenue Station.

Dahil sa naturang problema ay napilitan ang MRT-3 na itigil ang biyahe  ng lahat ng mga tren nito sa loob ng 18 minuto, at pansamantalang ihinto sa pinakamalapit na istasyon sa kanila.

Naibalik naman ang normal operation ng mga tren dakong alas-12:26 ng tanghali.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City  via Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with