^

Metro

Parak patay sa landlord

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis-Maynila nang barilin ng landlord sa inuupahan nitong boarding house sa Malate, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.

Anim na bala sa likod mula sa kalibre .45 baril ang tumapos sa buhay ni PO1 Alwin Kirk Gonzales, nakatalaga sa Manila Police District- Station 9 at residente ng   Malate, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Eli Matthan Sumampong,  alyas  Jonathan, 33, negosyante, residente ng City Land Tower I, Pablo Ocampo St., Malate, Maynila at may-ari ng inuupahang unit ng biktima.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 2:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa hallway papasok sa kuwarto ng biktima.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay umawat lamang sa away ng suspek at da­ting kinakasama nito na si Girly Espinosa hanggang sa iwan na nito ang dalawa at nagpasiyang pumasok na sa kaniyang kuwarto subalit hindi niya alam na sinundan siya ng suspek at barilin ito habang nakatalikod.

Inaalam pa ang impormasyon kung may namamagitang selos sa suspek at biktima dahil naghihinala umano na karelasyon ni Espinosa ng nasabing pulis.

Nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa kaanak ng suspek para sa pag-aresto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with