^

Metro

2 paslit patay sa sunog

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang paslit  at dalawa pa ang sugatan sa magkahiwalay na sunog na naganap sa Las Piñas at Muntinlupa City kahapon.

Kinilala ang isa sa nasawi na si Alfred Arcilla,11-anyos, ng Golden Acres, Brgy. Talon 5,  Las Piñas City at isa pang bata ang sugatan din sa sunog,  na inaalam pa ang pagkaka-kilanlan nito.

Sa report ng Las Pinas City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-12:35 kahapon ng mada-ling araw sa naturang lugar.

Bago ang insidente, nabatid na nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis sa bahay ng isang Joseph Adalbe ng naturang lugar, kung saan sinadya umano ng mga huhulihing drug suspects ang sunog upang makatakas sila sa mga alagad ng batas.

Nabatid sa ina ni Alfred, sandali niyang iniwan ang  anak sa loob ng kanilang bahay dahil nagtungo ito sa kanilang kapitbahay para maki-charge ng kanyang cellphone.

Dito na nga sumiklab ang apoy at dahil sa gawa lamang sa mga light materials nasa 60 kabahayan ang tinupok ng apoy at nasa 90 pamilya naman ang nawalan ng tahanan.

Ayon pa sa ina ng bata, nakita pa ng kanyang kapitbahay na tumutulong ang bata sa pag-apula ng apoy hanggang sa natagpuan na nga itong wala ng buhay.

Sa sunog sa Muntinlupa, nasawi si Princess Jamaica, 1 at 6-buwang gulang at sugatan naman at nagtamo ng 1st degree burn  ang nakatatandang kapatid nito na si Steve Nash Maguilan, 4, San Guillermo St., Park 4, Brgy. Bayanan ng naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon alas-3:50 kamakalawa ng hapon nagsimulang kumalat ang apoy sa naturang lugar, na umabot sa unang alarma at idineklarang under control pasado alas-5:00 na ng hapon.

Pagkatapos ng sunog ay dito na natagpuang bangkay na ang sanggol na si Princess Jamaica.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with