^

Metro

Ginang itinumba sa tabi ng anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binaril at napatay ang isang ginang sa tabi mismo ng kanyang mga anak ng hindi nakikilalang salarin kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Carmelita Flores, ng Isabelo Delos Reyes St., Tondo, na nagtamo ng 3 tama ng bala sa mukha at sa katawan, na naglagos pa sa hawak nitong cellular phone.

Sa ulat ni PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon.

Isa sa dalawang suspect ang pumasok sa bahay ng ginang na noon ay nakahiga at nagte-text habang nasa tabi naman ang 4-anyos anak na batang lalaki. Walang sabi-sa­bing pinagbabaril ng suspect ang ginang. Masuwerte namang hindi tinamaan ang kanyang anak.

Teorya ng mga awtoridad, may kinalaman din sa iligal na droga ang motibo. Ludy Bermudo with trainee Ma. Concepcion Malabanan

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with