^

Metro

Galamay ng drug lord na si Boratong, todas sa drug operation

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas sa mga awtoridad ang isa sa sinasabing ‘‘gala­may’’ ng drug lord na si  Amin Iman Boratong na may-ari ng shabu tiangge sa Pasig City sa isinagawang buy bust operation kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na suspek ay kinilala lamang sa alyas na Jamil, na sinasabing isa sa mga dealer ng droga ni Boratong.

Nabatid mula kay PO2  Marvin Santos ng Pasig police, ang insidente ay naganap dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Sanglaan Compound, Brgy. Palatiw, Pasig City.

Ayon kay Santos, nagkunwari siyang bibili ng droga sa halagang 2,000 pero nakatunog umano si Jamil na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya mabilis nitong binunot ang kanyang kalibre .38 baril saka kinalabit ang gatilyo habang nakatutok sa pulis pero hindi pumutok.

Nagawa namang bunu­tin ni Santos ang kanyang service firearms saka ipinutok sa suspek na nagresulta sa pagkamatay ng suspect. Sa rekord ng pulisya, nabatid na si Jamil ay isa mga galamay ng drug lord na si Boratong na siyang pasimuno ng pagpapakalat ng droga sa Pasig City.

Una dito ay naglabas ng drug matrix ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) kung saan ay si Boratong ang natukoy na lider ng sindikato ng droga sa Pasig City at mga kalapit na bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with