^

Metro

Chinese inaresto sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Skimming devices sa pagnanakaw ng impormasyon sa mga banko, kuha

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtori-dad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang isang Chinese national dahil sa pagdadala nito ng mga highly taxable goods at pag-iingat ng mga skimming devices gamit sa pagnanakaw ng mga impormasyon sa banko na nakalagay sa may 37 kahon at idineklara nitong ‘cheap bags’ at mga  RTW’s.

Kinilala ang suspek na isang alyas Wu Hongsheng, 33, na dumating sa NAIA lulan ng Philippine Airlines flight PR383 galing Guangzhou, China.

Sa inisyal na ulat, linggu-linggo kung dumating sa NAIA si Wu galing China.
Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA ang mga misdeclared items na dala ni Wu na kinabibilangan ng mga Tory Burch sandals, Fendi shoes, Louis Vuitton bags, Asus Computer laptops, mobile phone accessories, electronic cigarette devices at mga credit card at ATM (automated teller machine) na may mga Chinese mar-kings at skimming devices.

Ayon sa impormasyon nakalap nagiging istrikto at tinitiktikan ng todo ng mga taga-Customs ang mga pasaherong galing China.

Napag-alaman, makiki- pag-coordinate ang mga tau­han ng Customs sa mga banko para malaman ang lawak ng operasyon ng mga sinasabing sindikato na diumano’y nagnanakaw ng mga impor­masyon sa banko para ma­kapag-withdraw ng salapi.

Ang mga nakumpiskang iba’t ibang uri ng credit cards at ATM cards ay nagagamit diumano sa mga hotel at casinos.
Sinasabi na ang mga nakum-piskang kagamitan ay may pondo na at anumang oras ay puwede itong gamitin oras na dinala ito para kumuha ng pera sa mga casinos sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with