^

Metro

Mga artistang dawit sa droga, tututukan ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinisimulan ng siyasatin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang  showbiz personalities na sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay PDEA-National Capital Regional (NCR) Director Wilkins Villanueva, nire-review na anya nila ang closed circuit television ( CCTV ) footage na kanilang nakuha sa isi­nagawang pagsalakay sa isang lugar sa Mandalu-yong City, kamakailan

Sinasabing naging paboritong puntahan anya ang lugar ng ilang celebrity, at ilan sa mga ito ay hindi lang umano mga user kundi mga drug pusher.

Gayunman, hindi pa pinangalanan ng opisyal ang mga naturang celebrity na ang ilan na may aktibo at hindi na aktibo sa showbiz.

Sa sandaling makum­pleto nila ang pagsisiyasat ay saka na sila gagawa ng aksyon.

Nagalak din naman ang PDEA sa pagsasailalim ng ilang artista sa drug test, subalit kailangan anyang maging totoo ang pagsusuri dahil mas nakakabuti anya ito sa kanilang mga talent.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with