^

Metro

Donation campaign sa beybi na itinapon sa basurahan, inilunsad

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglunsad na kahapon ang pamahalaang lungsod ng Valen­zuela ng donation campaign para maisalba ang buhay at para sa kinabukasan ng sanggol na pinangalanang Baby Jade na itinapon ng magulang nito at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon pa rin sa Valenzuela City Medical Center.

Ngunit nilinaw ng pamahalaang lungsod na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot kay Baby Jade habang ang donasyon na matatanggap ay ilalagak sa trust fund para sa kinabukasan ng sanggol sa oras na makaligtas ito sa nakaambang kamatayan.

Maaari umanong magdeposito ang mga “good Samaritan” sa Landbank of the Philippines-Valenzuela Branch ng City Government of Valenzuela Acct. No. 0252-1002-96.

Dakong ala-1 kahapon ng madaling-araw, naging 0 ang vital­ signs ng sanggol habang nasa loob ng intensive care unit ng VCMC pero masuwerteng dalawang beses na na-revive ng mga manggagamot.

Una nang nanawagan si Mayor Rex Gatchalian sa publiko at mga netizen na buhusan ng panalangin ang sanggol sa pag-asang madudugtungan pa ang buhay nito. Natagpuan ang babaeng sanggol na may nakakabit pang umbilical cord sa isang basurahan sa tapat ng Jade Garden Townhomes sa Brgy. Marulas nitong Agosto 25 dakong alas-4 ng hapon. Agad na pinagmala­sakitan ng isang residente ang sanggol na isinugod sa Valenzuela City Medical Center kung saan nalapatan ng paunang lunas.

“(She’s) still in a coma, doctors said Baby Jade’s chance of survival is still below 50%. I hope Baby Jade wakes up soon.  Keep on praying for this little one,” ayon kay Gatchalian sa kanyang post sa personal niyang Facebook account.

Ito ay makaraang makakuha ng kumplikasyon na sepsis ang sanggol at malagay sa comatose ang kondisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with