^

Metro

5 biktima ng salvage, ikinalat sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kung saan tatlo sa mga ito ay isinilid sa garbage bag saka itinapon sa liblib na lugar kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Julius Cesar Balbuena, may-hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang tatlong bangkay sa may Tirad Paz, malapit sa kanto ng Biak na Bato, sa nasabing ba­rangay­.

Sinasabing nadiskubre ang nasabing mga bangkay ng isang residente habang nag­lalakad ito sa nasabing lugar kung saan napuna ang isang kulay itim na plastic garbage bag na natatalian ng packaging tape.

Agad na ipinagbigay alam ng residente sa barangay ang insidente kung saan rumis­ponde naman ang mga baran­gay public safety officer na sina Celso Llaneta at Eustacio Cinco sa lugar at nakita ang mga biktima, habang nakasilid sa nasabing bag.

Sa cursory examination ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga bangkay ay nakitaan ang isang bangkay ng punctured wounds sa dibdib at ulo, ang isa ay nagtamo ng tama ng baril sa ulo, habang ang isa naman ay tama ng bala sa likuran.

Samantala ang dalawa pa ring hindi nakikilalang lalaki ang natagpuan sa isang eske­nita sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Jim Barrayoga ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), isinalarawan ang isa sa mga  biktima sa pagitan ng edad na 30-35, katamtaman ang katawan, nakasuot ng kulay asul na maong short pants, may tattoo na “Tribal” sa kanyang kanang tuhod; at ulo ng demonyo sa kanyang kanang braso; habang ang isa ay nasa pagitan din ng edad na 30-35, nakasuot ng itim na sando at asul na maong short pants, at may tattoo na kanan at kaliwang braso.

Nadiskubre ang mga bangkay ng biktima sa may harap ng isang bahay sa V. Bernar­dino St., ng naturang barangay, dakong alas-2:14 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng SOCO sa crime scene, narekober ang dalawang piraso ng tingga ng bala, at dalawang piraso ng plastic sachet ng shabu. Sa cursory examination naman ay lumabas na ang isang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo, habang ang isa ay tama ng bala sa ulo at leeg.

Patuloy ang imbestigas­yon ng CIDU sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with