^

Metro

Biktima ng summary execution, natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang isang lalaki makaraang matagpuan ito na may tama ng bala sa ulo na nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan na naka-orange na short pants, itim na t-shirt, skin head ang gupit, at tadtad ng tattoo sa buong katawan.

Sa ulat, nagwawalis si Lorna Bajande sa may Plastic Avenue sa Brgy. Viente Reales dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima.  Agad naman na iniulat sa mga opisyal ng barangay kung saan namang tumawag sa pulisya.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang dibdib habang nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakagapos ang mga kamay habang patuloy ang im-bestigasyon ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with