^

Metro

Tandem assassins patay sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng motorcycle-riding assassins na sinasabing umiwas sa itinayong checkpoint matapos itong makipagba-rilan sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint sa kahabaan ng Sauyo Road sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng QCPD-Cri-minal Investigation and Detection Unit, kasaluku-yang bineberipika ang  pagkakakilanlan sa dalawang napatay na walang nakuhang anumang identification cards.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, nakasagupa ng dalawa ang pangkat ng Anti-Carnapping Unit at District Special Operation Unit sa pamumuno ni P/Insp. Danilo Sungala.

Nabatid na tinangkang pahintuin ng mga pulis ang dalawang nakamotorsiklo dahil walang helmet pero sa halip na sumunod ay umarangkada patakas ang mga ito kaya nauwi habulan.

Dito na nagkaputukan hanggang sa bumulagta ang dalawa kung saan naisugod pa ito sa FEU Hospital subalit idineklarang patay.

Narekober sa encoun-ter site ang cal. 45 pistol at cal. 38 revolver, isang plastic sachet ng shabu, ilang dokumento, mga tseke ng banko, itim na sling bag na may 9-piraso ng valium, dalawang piraso ng meloxicam mobic tablet, dalawang plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with