^

Metro

6 bulagta sa serye ng pamamaril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpapatuloy pa rin ang sunud-sunod na pamamaril ng mga maskaradong lalaki makaraang anim-katao ang pinaka­bagong naitalang napatay sa Caloocan City simula kamakalawa ng madaling araw.

Sa mga ulat na naka-  rating sa Northern Police District (NPD), dakong ala-una kamakalawa ng madaling araw nang pagba­barilin at napatay ng mga nakamaskarang lalaki ang biktimang si Richard Recto sa loob ng kanyang bahay sa Little Manggahan, Bagumbong Dulo, Brgy. 171 sa naturang lugnsod.

Dakong alas-9:48 kamakalawa ng gabi nang pasukin din sa loob ng bahay at pagbabarilin si Florante Calubag, 48, pintor, ng No. 9492 sa Brgy. 177 Maligaya Park Land habang isinunod na paslangin si Jun “Topak” Jimenez matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa No. 130 Narra Street sa Brgy. 182.

Natagpuan naman sa madamong bahagi ng Mt. Apo Street, Nova Hills Subdivision, Brgy. 171 Bagumbong ang bangkay ni Roberto Encarnacion. 

 ibinalot ng masking tape ang mukha nito, may tama ng bala sa ulo at may nakapatong na placard sa katawan na nakasulat ang katagang: “Pusher ako belat.”  Narekober naman ang isang plastic sachet na may shabu.

Bandang ala-1:10 kahapon ng madaling araw naman nang barilin at patayin ng dalawang hindi nakilalang lalaki si Joselito Ilagan Jimenez, 43, tricycle driver sa may kanto ng MH Del Pilar at Malvar Street sa Brgy. 178 Camarin. 

Nagsusugal ng kara y cruz ang biktima at ilang kasamahan nang duma-ting ang gunmen saka ito pinagbabaril.

Binaril at napatay naman sa may Marulas A, Brgy. 36 kamakalawa ng madaling araw ang 40-an-yos na si Jalma Quintana ng No. 1133 M. Ocampo Street, Brgy. 191, Maynila.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang Caloocan City Police sa mga naganap na patayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with