^

Metro

Rider vs rider, 1 patay sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaking motorcycle rider ang patay makaraan umanong pagbabarilin ng kapwa rider sa hindi mabatid na kadahilanan sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega, may hawak ng kaso, ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinala-rawan sa pagitan ng edad na 40-45, at may taas na 5’6.

Patuloy naman ang follow-up investigation ng otoridad sa sinasabing suspek na nakasakay din sa motorsiklo nang maganap ang insidente.

Ayon kay PO3 Dela Vega, imbestigador sa kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng Block-18, Lot- 29 Sugartown Subd., Brgy Batasan hills QC, dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Kuwento ng isang security guard ng subdibisyon kay PO3 Dela Vega, nagbabantay umano siya sa entrance gate nang impormahan ng isang residente hingil sa insidente.

Agad namang pinuntahan ng sekyu ang lugar kung saan nakita ang duguang walang buhay na katawan ng biktima habang nasalampak sa kalye na katabi ang kanyang minamanehong isang Honda XRM (SL-2806)

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene narekober ang walong piraso ng basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with