^

Metro

Helper sa bakery nagpatiwakal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natagpuang walang buhay at nakabigti ang isang 32-anyos na helper ng isang bakery na dumaranas umano ng matinding depresyon, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Well Boy Jimaol, binata at stay-in sa Don Benito’s Cassava Cake sa 0929 Ibarra st., Sampaloc.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa pantry ng bakery alas 7:30 ng umaga, na na-kabitin sa nylon cord.

Sa imbestigasyon, sinabi ng kasamahan sa trabaho na madalas na balisa at malalim ang iniisip ng biktima hanggang sa magtungo pa umano ito kamakalawa sa ibabaw ng Quezon Boulevard at naisipang tumalon na agad nilang napigilan.

Noong Agosto 25 ay bigla itong umalis at iniwan ang trabaho, na napag-alamang naglakad lamang patungo sa Baclaran at bumalik sa trabaho kinagabihan.

Subalit kahapon ay laking gulat  ng mga kasamahan ng biktima nang makita  itong nakabigti.

Wala pang malinaw na dahilan ang pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with