^

Metro

Tsinay, tiklo sa P1.2-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Fi­lipino-Chinese na babae makaraang makuhanan ng aabot sa P1.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng anti-narcotics agents ng Quezon City Police District sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni QCPD acting District Director P/Sr. Supt. Guillermo L. Eleazar ang suspek na si Jennifer Hong, 30, dalaga ng Block 8, Lot 9, Villa Lourdes Town Homes, Congressional Ave. QC.

Ayon kay Eleazar, nada-kip si Hong ng mga operatiba ng QCPD-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (DAI-SOTG) sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Ernesto Santos Jr. at Philippine National Police-anti Illegal Drugs matapos ikasa ang operasyon laban sa suspek kung saan panguna-hing supplier ito ng shabu sa buong Metro Manila.

Sa operasyon, isang police agent ang nagkunwaring buyer ng shabu sa suspek sa may Agoho St., kanto ng Almasiga St., Brgy. Claro, Congressional Ave. QC, dakong alas-2:15 ng madaling araw.

Dagdag ni Eleazar, si Hong ay kinokonsiderang high value target ng AIDG case Operation Plan (COPLAN) kung saan ang partner nito ay isang convicted drug dealer na nahatulang mapiit ng tatlong taon sa Quezon City Annex Jail, Bicutan.

Sinabi naman ni P/Supt. Godofredo Tul-o ng QCPD-DAID, nasamsam sa suspek ang isang plastic bag ng shabu na may timbang na 500 grams at street value na P1.2 milyon, gayundin ang P600,000 budol marked mo-ney, at dalawang cellphone.

Nagsasagawa pa ng malalim na imbestigasyon ang tropa dahil sa ulat na iligal na aktibidad ay nagpapatuloy sa Bicutan Jail, dahil sangkot si Hong at kanyang lover na nakapiit dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with