^

Metro

Privilege Program para sa Postal ID inilunsad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilunsad na nang  Philippine Postal ang kanilang  pinahusay na privilege card kung saan  ang mga parok-yano na mayroong Postal ID ay kinakailangan lamang na ipakita ito sa mga kapartner na establisimyento ng PHLPost at maaari na silang makakuha ng mga pamigay o diskuwento.    

Makakakuha ng disku-wentong 10% sa admission fee at encounter programs ng Ocean Adventure, 10% na diskuwento sa Superior o Deluxe Room ng Camayan Beach Resort and Hotel, Php 1.00 na bawas sa bawat litro ng gasolina o diesel mula sa Flying V, 10-15% na diskuwento mula sa Derm Magic, Fresh Salon and Spa, Fresh Touch Spa at marami pang iba.

Ang privilege program na ito ay bahagi ng pangako ng PHLPost na pagpapahusay ng mga standards ng mga ID na iniisyu ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbubuklod ng mga kliyente nito at ng iba’t ibang mga kapartner na establisimiyento ng korporas­yon. Upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga kliyente at maiwasan ang mga huwad na transaksyon,

Nabatid na ang pinahusay na Postal ID ay mayroon na ring pisikal at biometrics-based security features kung kaya’t ito na ngayon ang pinaka-secure  at pinakamadaling makuha na ID mula sa gobyerno.

Maaaring mag-apply para sa pinahusay na Postal ID ang mga Pilipino at dayuhang naninirahan sa bansa ano man ang kanilang gulang o propesyon. Ang mga application forms ay makukuha sa  alin man sa 1,300 na post office sa buong bansa o kaya nama’y i-download mula sa postalidph.com o phlpost.gov.ph.

Para sa mga karagda-gang detalye kung saan o pa­paano magagamit ang mga pribilehiyong kasama ng pinahusay na Postal ID, bisitahin lamang ang Postal ID website (www.postalidph.com) at ang mga social media accounts sa Facebook (newpostalid), Twitter (@PostaLiD) at sa Instagram (newpostalid).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with