^

Metro

Quiapo drug bust, 5 utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lima katao na pinaniniwalaang mga “tulak’’ ng iligal na droga ang napatay sa isina­gawang buy-bust ope­ration ng mga operatiba ng  Manila Police District-Station 3, sa Quiapo, Maynila, kaha­pon ng umaga.

Sa spot report ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, ang mga nasawi ay sina Hassim Taruyan, 56, tubong Sultan Ku­darat at residente ng Gol- den Mosque, Globo De Oro, Quiapo, Maynila; Ronald Acevedo, 41, ng Santol, Ba­lagtas, Bulacan; Renato Diaz, construction worker, na nakuha ang mga panga­lan sa mga narekober na dokumento sa kanilang bulsa bagama’t hindi pa kumpirmado kung tunay na pangalan at dalawa pang lalaki na napaslang din ang inilarawan lamang dahil walang pagkakakilanlan.

Isa rito ang nakasuot ng sleeveless shirt, checkered na pantalon, nasa 36-40 ang edad at 4”10 ang taas at ang isa pa ay nasa 5”11 ang taas, 35-40 ang edad, nakasuot lamang  ng malong at may armas umanong Smith and Wesson caliber 22 na may mga bala.

Sa ulat ni P/Supt. Santiago Pascual, hepe ng MPD-Station 3, isang buy-bust operation ang isinagawa alas-6:45 ng umaga, sa tina­guriang “Cabodia Alley” sa Arlegui St., Quiapo, sa pa­ngu­­nguna ni Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Unit chief, Sr. Insp. Anthony Sy at Plaza Miranda Police Community Precinct chief, C/Insp. John Guiagui at ng Barbosa PCP.

Nabatid na gumamit ng marked money na P1,500 ang isang pulis na nakabili  ng droga at doon na sina-lakay ang lugar.

Dito na nagkaroon ng  palitan ng putok sa pagitan  ng mga operatiba na ikinasawi ng mga biktima na magkakasunod ding bumulagta.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang unit ng  kalibre 22 na baril, kalibre 38, isang kalibre 45 at apat na plastic sachet na hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias.

Samantala, itinumba rin sa  magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City ang mga pinaniniwalaang ‘tulak’ na sina Florante Calabug, 48, pintor, ng #9492 Block 2, Lot 15, Brgy. 177, Maligaya Park Land; Roberto Encarnacion ng Lot 24, Kingstown Subd., Brgy. 171 at Richard Recto, 38, construction worker.

Ayon kay P03 Rhyan Ro­driguez, alas-9:48 ng gabi, nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya si Cala­bug, nang bigla na lamang pumasok ang tatlong hindi kilalang lalaki na pawang mga nakamaskara at dalawang beses na pinutukan ang biktima sa harapan ng kanyang pamilya. Nakuha sa krimen ang isang basyo ng kalibre .45 baril.

Alas-11:45 ng gabi nang natagpuan naman sa madamong bahagi ng M. Apo St., Nova Hills Subdivision, Brgy. 171 ang wala ng buhay  na  si Encarnacion, na hinihinalang biktima ng “summary execution”.

Nakabalot ng kumot ang buong katawan ng biktima, gayundin ang  mukha nito na pinaikutan naman ng mas-king tape at may nakasulat sa kumot na mga katagang  “Pusher Ako Belat” habang narekober ng pulisya sa nasawi ang isang wallet na naglalaman ng isang sachet ng pinaniniwalang shabu.

Bandang alas-12:10 naman kahapon ng madaling araw, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay si Recto kasama ang kanyang  live-in partner nang pasukin ng apat na hindi kilalang  mga suspect na pawang naka-bonnet at walang sabi-sabing pinagbabaril ang bikti-ma na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with