^

Metro

Dormitoryo, call center office, ‘kakatukin’ din

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maging ang mga dormitory at call canter office ay nakatakda na ring katukin ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) bunsod ng pi-naigting na kampanya laban sa paglaganap ng droga sa bansa.

Ayon kay Chief Supt. Romulo Sapitula, director ng EPD, nais nilang iparating sa mga estudyante na nangu-ngupahan sa mga dormitory at mga nagtatrabaho bilang mga call center agent na umiwas sa paggamit ng droga dahil sa masamang epekto nito na sisira sa kanilang pangarap   at magandang kinabukasan.

Sinabi ni Sapitula, nag-request na sila sa city government ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina kung ilan at kung saan ang mga dormitory at call center office sa kani-kanilang nasasakupan.

Aniya, hindi naman na-ngangahulugan na kapag kinatok nila ang isang establisimi-yento ay may pusher o user ng droga ang nakatira sa halip ang nais lamang nilang iparating ang mainit na kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Una na ring pinakiusapan ng EPD ang mga bar owner at nakatira sa mga  pribadong subdibisyon na makiisa sa kampanya at naging positibo naman ang naging pananaw dito ng publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with