^

Metro

Dahil sa malalang trapik: MMDA traffic enforcer, ikakalat sa Marcos Highway

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maglalagay ng karagdagang pwersa ang Metropo-litan Manila Development  Authority (MMDA) sa kaha­ba­­an ng Marcos Highway at mag­papatupad ng re-routing scheme dahil sa napakabigat na daloy ng trapiko dito.

Ayon kay MMDA Gene­ral Manager Tim Orbos, ang kanilang mga traffic enforcer ang magiging manpower ng bagong tatag na Inter-Agency Committee on Traffic Management (I-ACT), kung saan magdadagdag pa ng mga deputize traffic enforcer sa naturang lugar.

Para sa kaalaman na rin ng mga motoristang babagtas ng Marcos Highway at magtutungo sa area ng Rizal, nabatid na ipatutupad ng MMDA ang re-routing scheme dito.

Kung saan ang mga behikulong galing Cubao/Katipunan papuntang Antipolo ay babagtas ng Aurora Boulevard, kanan ng Katipunan, C.P. Garcia Avenue (C5), ka­liw­a ng Ortigas Avenue Extension hanggang sa destinasyon at  vice versa.

 Ang behikulong mula Cubao/Katipunan hanggang Antipolo ay dadaan ng  A. Boni­facio Avenue (hanggang Ma­rikina City proper), diretso hanggang Sumulong Highway hanggang sa destinas­yon at vice versa. 

Ang mga sasakyan namang galing Antipolo patu­ngong Quezon City ay maaa-ring dumaan ng Ortigas Ave­nue Extension, kaliwa sa Kaytikling patungong Taytay Palengke, East Bank Service Road, kaliwa sa Legaspi Bridge, kaliwa sa C. Raymundo hanggang  destinasyon at  vice versa. 

Mula naman sa Cainta hanggang C5, Quezon City, mula Felix Avenue kaliwa ng  Kagihawaan St./Magsaysay St., kaliwa ng Amang Rodri­guez Avenue, kaliwa ng Calle Industria hanggang  C.P. Garcia (C5),  hanggang  destination  at  vice versa.

Mga behikulo namang mula  Cainta, Rizal via Valley Golf  hanggang Cubao, Quezon City mula Ortigas Avenue Extension, kaliwa ng  Don Celso Tuazon Avenue, dadaan ng  Sumulong Highway hanggang destinasyon at vice versa.

Para mamonitor ang kalagayan ng trapiko, ayon kay Orbos, naglagay sila ng anim  na CCTV camera  sa mga strategic area  sa naturang lugar.

Nabatid na nakadagdag ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Marcos Highway ang kasalukuyang construction ng LRT-2 Extension.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with