^

Metro

Kontrabando nakuha sa Oplan Galugad sa NBP

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila nang pinatutupad na napakahigpit na seguridad, nakuhanan pa rin ng limang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000.00 at iba pang kontrabando ang limang inmates matapos salakayin ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) ang Medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kamakalawa.

Alas-5:30 ng hapon nang simulang isagawa ang buy-bust operation ng isang confidential agent sa loob ng selda ng limang preso na pansamantalang hindi binanggit ang mga pangalan ng mga ito.

Nakumpiskahan ang mga preso ng limang bulto ng shabu,  na nagkakahalaga ng P60,000 mga cellphone at appliances.

Kung saan ang nasabing mga kontrabando tulad ng mga cellphone at applian­ces ay pag-aari umano ng ilang NBP prison guard at posibleng kasabwat ang mga ito sa iligal na gawain ng mga preso.

Ang mga presong na-kum­piskahan ng droga ay sasampahan ng kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act at makakadagdag ito sa mga kasong kinakaharap nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with