^

Metro

17-anyos tumalon sa condo tower, patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na dalagita matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng condominium tower, sa Ermita, Maynila, kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Philippine General Hospital ang biktimang si Remelyn Saria, residente ng no. 292 Alapan 2nd Imus, Cavite,.

Lumilitaw na dakong alas 8:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Robinson’s Place Residency Tower 2 na matatagpuan sa may Padre Faura St., Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dumalaw lamang ang biktima sa kanyang kaibigan na si Ariane Gilboy,19 , na pansamantalang nanunuluyan sa condo unit ng isang Arabo, sa Room 10-1 Robinson’s Place Tower 1.

Nagulat na lamang umano si Gilboy nang habang siya ay natutulog sa sofa ay narinig ang malakas na iyak ng biktima na bumisita sa kaniya. Nang tanungin ay sinasabi umanong may malaki siyang problema sa pamilya lalo na sa lola nito na kaniyang kaalitan kaya siya mag-isa na lamang nangu-ngupahan at humiwalay sa ina.

Di nagtagal ay tumakbong papalabas ng condo unit ang biktima at hinanap umano ni Gilboy at nagpasaklolo pa sa iba para hanapin subalit hindi na matagpuan.

Lingid sa kanilang kaalaman, nagtungo pala ito sa karugtong na Tower 2, sa ika-4 na palapag, binuksan ang generator o power supply room at doon nagtatakbo hanggang sa makitang tumalon mula sa nakabukas na wall at nahulog sa ground floor.

Ayon sa nakakita na si Joselito Espelita, papaalis na sila  nang makita niyang tumatakbo ang biktima at nagsasalita na may humahabol sa kaniya at humihingi ng tulong. Balisang-balisa umano ito na umiiyak kaya hindi agad siya nakaalis at ng kasamahang building maintenance sa generator room.

Naghintay umano sila na makita kung sino ang humahabol ay wala naman dumating doon kaya tinangkang lapitan ang biktima na nagtungo sa dulo ng generator room subalit hindi na nila inabutan dahil tumalon umano ito.

Nabali umano ang binti ng biktima bukod sa tindi ng pin­sala sa ulo.

Sinabi naman ng kaanak ng biktima na matigas ang ulo nito kaya madalas pagalitan.

Ayon sa bestfriend na si Pauline Lusuegro, nagsasabi lamang sa kaniya na may problema siya sa pamilya at pinahinto na siya sa pag-aaral sa kolehiyo.

Umamin naman ang kaibigan na gumagamit ng marijuana ang biktima at marami pa itong ibang barkada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with