^

Metro

Oil depots, pabrika ililipat P7.4-B Manila Harbour Center Project lusot sa konseho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na tuluyan nang mababawasan ang polusyon sa Pasig River kasabay ng pagpapalawak ng Manila Harbour Centre sa Tondo.

Ang  paniniyak ay ginawa ni  Estrada makaraang ratipikahan ng Konseho ng Maynila  ang joint venture agreement (JVA) na nilagdaan ng pamahalaang lungsod at ng R-II Builders, Inc. sa pangunguna ni Reghis Romero II kaugnay sa P7.4-bilyong proyekto.

“Sinabihan ako ng develo­per na doon na lilipat ang mga oil depots at mga pabrika na nasa Pasig River. Magandang balita ito dahil mababawasan na ang mga polluters sa ilog. Tayo ay nakikiisa sa rehabilitasyon ng Pasig River,” ani Estrada.

 Aniya, naging isang mala-king tapunan na ng dumi ang Pasig River dahil sa industriyalisasyon at sa libu-libong informal settlers na nanirahan na dito sa loob ng mahabang panahon.

Ayon kay Romero, nagpahayag na ng interes ang mga oil depot, mga pabrika ng tela at sapatos at iba pa na nasa Pasig River na lilipat na sila sa North Harbor kapag natapos na ang ekspansyon nito.

“Matagal na silang naghahanap ng isang light industrial estate na mapaglilipatan dahil alam nilang nakakasikip at nakakadumi sila sa Pasig River,” pahayag ni Romero.

Ayon kay Estrada, inaasahan nila na bilyung-bilyong buwis ang kikitaan ng lungsod sa P7.4-bilyong proyektong ito na pangungunahan ng R-II Builders, Inc.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna, inapru­bahan ng konseho ang JVA na nilagdaan ni Estrada at Romero nitong Hulyo 21; isa itong requirement para makuha ang otorisasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

“Wala tayong gagastusin dito pero napakalaki ng ating benepisyong makukuha tulad ng buwis at maraming trabaho para sa mga Manilenyo,” ani Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with