Bebot lasog sa tren
MANILA, Philippines - Nalasog ang babae na kulang umano sa pag-iisip ang namatay matapos masagasaan at makaladkad ng tren sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Marlene Macapagal, 41, may live-in partner at residente ng no. 1732 Mindanao Avenue, Sampaloc, Maynila,
Sa ulat ni PO2 Benito Mateo ng Manila Police District Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), naganap ang insidente dakong alas 11:49 ng umaga sa southbound lane ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng G. Tuazon at España Stations.
Sinabi ng isang testigo na naglalakad ang biktima at hindi marahil narinig na busina ang tren na may body number na DEL 902, kaya siya nasagi, pumailalim at nakaladkad ng may ilang metro na agad niyang ikinasawi.
Nabatid na ang train ay pinatatakbo nina Anthony Tan at Tranquilino Solfeo.
Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Mark Memorial Chapel. (Ludy Bermudo with trainee Ma. Concepcion Malabanan)
- Latest