^

Metro

13-anyos na skateboarder, pisak sa truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 13-anyos na skateboarder makaraang magulu-ngan ang kanyang ulo ng isang trak na sinasabing sinadya umano ng tsuper, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Iniakyat sa kasong murder ang isinampa laban sa sus-pek na si Roger Reyes, 45, ng Ton­do, Maynila, makaraang mabatid ng pulisya na sinad­ya nitong paslangin ang biktimang si Jeriemy Matias, ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kanto ng Gov. Pascual at Araneta Avenue sa Brgy. Potrero. Naglalaro si Matias kasama ang mga kaibigan ng skateboard nang masagi ang biktima ng 18-wheeler truck na minamaneho ni Reyes dahilan para maipit ang paa nito sa gulong.

Pinara naman ng mga kaibigan ang trak at hiniling sa tsuper na iatras ito upang makaalpas ang biktima sa pagkakaipit. Bumaba umano ng trak ang suspek at nang makita ang sugatang biktima ay muling sumakay sa trak.

Ngunit sa halip na iatras ang trak, idiniretso pa nito ang pagmamaneho dahilan para tuluyang magulungan ang ulo at katawan ng biktima sanhi ng agad nitong kamatayan.

Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP 2) si Reyes habang dinala na sa impounding area ang trak na minamaneho nito. 

Ayon sa pulisya, posi-bleng mas inisip umano ng tsuper na mas maliit ang babayaran kung patay ang biktima kaysa sa sugatan na mas malaki pa ang gagas­tusin sa pagamutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with