^

Metro

High-end resto bars at clubs sa ‘The Fort’ binalaan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakanselahin ang business permit ng mga high-end restobar at clubs na lalabag sa polisiyang ipinatutupad ng pulisya kontra droga kasabay nang pagbubunyag nito na ilang dayuhan at personalidad na konektado sa industriya ng entertainment ang sangkot umano sa iligal na operas­yon sa lungsod ng Makati at Taguig.

Nitong gabi ng Miyerku-les ay nagkaroon ng dialogue sa pagitan ng PNP sa pangu­nguna ng Southern Police District (SPD) sa mga may-ari ng high-end restobar at clubs sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ang naturang dialogue ay dinaluhan nina PNP Chief Director-General  Ro­nald Dela Rosa; NCRPO Director Oscar Albayalde; SPD district director Sr.  Supt Tomas Apolinario; Taguig City Mayor Lani Cayetano at mga may-ari ng mga high-end restobar at clubs.

Dito inilatag ng SPD ang kanilang mga polisiya sa mga may-ari ng bars na nakabase sa lungsod ng Makati at Taguig na may kaugnayan sa kampanya  kontra droga.

Nakasaad sa mga polisiya at nilagdaang Memorandum Of Agreement (MOA) sa pagitan ng pulisya at mga restobar at club owners  na i-mantina na maging “drug free” ang kanilang pag-aa-ring establisimiyento. 

Makipagtulungan ang mga ito sa pulisya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya ng CCTV footage at litrato kung sakaling may insidenteng naganap sa kanilang establisimiyento.

Payagan ang mga kawa-  ni na maging saksi sa anu­mang magiging operasyon ng pulisya sakaling sangkot ang kanilang establisimento.

Magtatalaga rin ng mga nakasibilyang anti-illegal drugs at intelligence agents at police officers sa mga si­nasabing high-end bars.

Ayon sa SPD, sakaling hindi sumunod ang mga ito,  kakanselahin ang kanilang mga business permit.

Ibinunyag din ng pulisya  na ilang mga dayuhan at personalidad na konektado sa entertainment industry ang sangkot umano sa iligal na operasyon ng droga sa mga high-end bars sa Makati at Taguig City kung saan kabilang ito sa tinututukan nila ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with